Rekomendasyon ng MMDA kaugnay sa panukalang pagpapatupad ng Flexible time para sa mga kawani ng gobyerno, hinihintay na lamang ng Malakanyang

Manila, Philippines – Hinihintay na lamang ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang magiging rekomendasyon ng MMDA kaugnay sa panukalang pagpapatupad ng flexible time sa mga kawani ng gobyerno.

Kasunod na rin ito ng paghahanap ng praktikal na solusyon ng pamahalaan para masolusyonan ang grabeng problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sa ginanap na Cabinet Meeting kamakalawa, apat na Presidential directives ang inisyu ng Pangulo sa MMDA.


Bukod sa alisin ang mga road obstructions, nais ani Abella ng Pangulo na doblehin ang multa sa mga violation gaya ng illegal parking at number coding.

Nais din aniya ng Chief Executive na kasuhan ng MMDA ang mga kapitan ng barangay na hindi tatalima at maghihigpit sa mga iligal na nakaparada sa kani-kanilang mga hurisdiksiyon.
Nation

Facebook Comments