Preliminary investigation sa reklamo kay VP Sara sa mga naging banta nito, gugulong na —DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na sasailalim na sa evaluation at preliminary investigation ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa umano’y pagbabanta ni VP Sara kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na tutukuyin ng prosecutors kung may prima facie case sa mga ebidensiyang nakalap bago ito sumailalim sa case buildup.


Kabilang sa proseso ang paghingi ng kontra salaysay sa respondent at pag-rebyu sa mga ebidensiyang inihain ng magkabilang partido.

Saka pa lamang daw titingnan kung maaaring isampa sa korte ang kaso o ibasura dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan si VP Sara ng inciting to Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments