Rekomendasyon sa PNP-PDEA shootout noong Pebrero, inilabas na ng NBI

Naglabas na ng rekomendasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kung sino ang mga dapat kasuhan sa nangyaring shootout noong Pebrero sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa NBI, inirekomenda na nila sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng reklamo laban sa 12 tauhan ng PNP-Quezon City at apat na tauhan ng PDEA.

Kasama sa mga kaso ang homicide, attempted homicide, direct assault, falsification of official documents, robbery, at conniving with or consenting to evasion.


Matatandaang apat ang nasawi sa naturang engkuwentro na naganap noong Pebrero 24 sa isang parking area ng isang fast food chain sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ipapaubaya naman ng NBI sa DOJ ang pagsusuri sa kanilang rekomendasyon kung sino ang mga dapat kasuhan.

Facebook Comments