Relasyon ng PNP at AFP, hindi maaapektuhan matapos mabaril at mapatay ng isang pulis ang retiradong sundalo sa Quezon City

Ayaw ng Armed Forces of the Philippines na magkaroon ng lamat ang relasyon nila ng  Philippine National Police.

Ito ay matapos na mabaril at mapatay ng isang Pulis ang isang retiradong Army na si Corporal Winston Ragos sa Quarantine Control Point sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, sang-ayon sila na judgement call ang ginawa ng pulis na si Master Sergeant Daniel Florendo kaya napatay ang retiradong sundalo.


Pero kung tama ba ang kanyang naging aksyon sa sitwasyon ay pananagutan nya lang at hindi mag rereflect sa PNP bilang organisasyon.

Mahalaga sa ngayon ayon kay Arevalo na magkaisa ang PNP at AFP sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman panawagan ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. sa publiko na huwag nang palalain pa ang isyu.

Sa ngayon aniya, may ginagawa na ring hiwalay na imbestigasyon ang AFP para matukoy ang totoong nangyari at masampahan ng kaso ang pulis kung mapapatunayang may paglabag ito sa batas.

Facebook Comments