RELIEF ASSISTANCE MULA SA NGCP, IPINASAKAMAY SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG ISABELA

Ipinasakamay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang relief assistance sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela nitong Biyernes, ika-16 labing anim ng Setyembre taong kasalukuyan.

Pinangunahan ni Binibining Princess Catherine Santiago mula sa NGCP ang turn-over ng mga relief goods na tinanggap naman ni Ginang Lucila Ambatali, Provincial Social Welfare and Development Officer.

Ilan sa mga relief goods na ipinagkaloob ay 50 bags na 25 kgs. na bigas at 50 piraso na 10 litrong tubig.

Layunin ng pagbibigay ng relief goods na ipamahagi sa mga mamamayan ng lalawigan ng Isabela na naapektuhan ng nagdaang kalamidad na bagyong Florita.

Facebook Comments