Nagsimula nang magpamahagi ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Karding.
Ilan sa mga nabigyan ay mula sa Barangay Lucao, Calmay at Carael.
Matatandaan na nasa higit 500 indibidwal mula sa sampung barangay ang inilikas sa kani-kanilang tahanan bago pa man ang pananalasa ni Bagyong Karding.
Ilan sa mga ito ay hindi pa rin nakakabalik sa kanilang tahanan ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office dahil ang kanilang lugar ay na identify na low lying areas at malapit sa baybayin.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng CDRRMO sa water level ng kailugan sa lungsod matapos ang Bagyong Karding. | ifmnews
Facebook Comments