REMATCH | Pacquiao – Mayweather rematch, nangangamoy na naman

Manila, Philippines – Hindi malayong magkaroon ng rematch sina Manny Pacquiao at Undefeated World Champion Floyd Mayweather Jr.

Kasunod ito ng pagkakapanalo ni Pacquiao via technical knockout kay Argentinian boxer Lucas Matthysse sa Malaysia kahapon.

Ayon sa boxing analyst na si Cet Dematera, sakaling lumaban muli, posible niyang makalaban si Ukranian boxer Vasyl Lomachenko o si American boxer Terrence Crawford.


Pero aniya, posible rin ang ng Pacquiao-Mayweather rematch na matagal nang request ng boxing fans.

Sabi naman ng isa pang boxing analyst na si JM Siasat, mas makabubuti kung mag-retire na si Pacquiao matapos ang kanyang knockout win.

Pero una nang sinabi ng Pinoy boxing legend na hindi pa siya magreretiro dahil ay ibubuga pa naman daw siya.

Facebook Comments