Cauayan City – Abala ngayon ang pamunuan ng City Business Permits and Licensing Office ng lungsod ng Cauayan dahil sa tumaas na bilang ng mga negosyo dito sa lungsod.
Sa ibinahaging impormasyon ni Atty. Sherwin De Luna, pinuno ng nasabing ahensya, nakatakda na sa Lunes, Enero 21 ang deadline ng pagproseso ng business permits.
Ayon kay Atty. De Luna, umabot na sa apat na libong negosyo ang naitala sa lungsod ng Cauayan base sa datos na naitala noong nakaraang taon.
Umaasa naman ang nasabing tanggapan na madadagdagan pa ngayong taon ang bilang ng mga magpaparehistro.
Kaugnay nito ay taunan pa rin ang renewal ng business permit para sa mga negosyante at madali na lamang anya ang pagproseso dito kung kumpleto ang mga dokumento.
Samantala, para naman sa maliliit na tindahan na umaabot ang kita ng humigit kumulang 50,000 ay pwede nang magbayad ng busines tax sa barangay s ubalit kinakailangan pa ring kumuha ng permit at hindi na ito sisingilin.
Panawagan naman ni Atty. De Luna, sa mga bagong negosyo o magnenegosyo na kung maaari ay agahan na ang pag-apply ng business permit upang maiwasan ang aberya at upang hindi na maisyuhan ng demand letter.