
Idinepensa ni Sara Elago, kinatawan ng Gabriela Women’s Party, ang paghahain niya ng disbarment case laban kay Ferdinand Topacio sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Commission on Bar Discipline.
Ayon kay Elago, ang kanyang hakbang ay pagtatanggol sa kanyang pagkatao at dignidad, at higit sa lahat para sa mga kababaihang kanyang kinakatawan sa House of Representatives of the Philippines.
Nag-ugat ang reklamo sa pahayag umano ni Topacio na sinabi nitong pinagnasahan niya ang kongresista nang maamoy niya ito sa isang pagdinig noon sa Department of Justice (DOJ).
Dagdag pa ni Elago, patuloy siyang titindig kasama ang bawat babaeng minamaliit, binabastos, at sinusubukang patahimikin.
Facebook Comments










