Tuesday, November 17, 2026

Rep. Eli San Fernando, buwelta sa mga nagalit sa kaniyang content kaugnay ng 49th ASEAN Summit

Bumwelta ngayong Martes, November 17 si Kamanggagawa Party-list Representative Eli San Fernando, sa mga nagalit sa content na ginawa niya, kaugnay ng 49th ASEAN Summit na umano’y sumisira sa imahe ng Pilipinas.

Ipinakita kasi dito ng mambabatas, ang umano’y “pekeng Pilipinas”, gaya ng maluwag na daloy ng mga sasakyan, malinis at maayos na kalsada dahil sa mga tinakpan na plywood at iba pa, para sa 49th ASEAN Summit.

Giit ni San Fernando, hindi dapat magalit sa kaniya ang mga tao, dahil gumawa man siya ng content o hindi ay sira naman na umano talaga ang imahe ng ating bansa.

Dagdag pa rito, sinabi rin ng mambabatas na hindi siya, kundi ang mga korap na politiko ang sumisira sa bansa.

Paliwanag pa ng mambabatas, mensahero lang siya ng araw-araw na mga nangyayari at nararanasan ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino.

Facebook Comments