
Nag-request ng travel clearance sa liderato ng Kamara si Davao City 1st Distrtic Rep. Paolo Duterte para makabyahe sa 17 bansa mula December 15, 2025 hanggang February 20, 2026.
Sa liham kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III ay binanggit ni Duterte na magtutungo sya sa mga bansang Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, South Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, United States, Australia, United Kingdom, The Netherlands, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.
Binigyang-diin ni Duterte na sariling pondo nya ang gagamitin sa naturang mga biyahe.
Hiniling din ni Duterte na payagan syang makadalo virtually sa mga pulong at plenary sessions.
Facebook Comments









