Cauayan City, Isabela- Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang repacking ng ayudang bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa mga pamilya sa Lungsod ng Tuguegarao.
Pinapangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Office for People Empowerment (POPE), Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), at General Services Office kasama ang mga volunteers ang pagrerepack ng tig-sampung kilong bigas na ipinapamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng ECQ at MECQ simula pa noong ika-30 ng Marso hanggang sa kasalukuyan.
Una nang nabigyan ng ayudang bigas ang barangay Linao Norte dahil ito ang naunang barangay na nakapagbigay ng listahan ng mga benepisyaryo sa PSWDO.
Tiniyak naman ni Gov. Mamba na patuloy ang pamamahagi ng tig-10 kilos na bigas sa bawat pamilya sa mga barangay sa lungsod.