Manila, Philippines – Itinutulak muli sa Kamara ang pagbibigay ng reparation pay o bayad pinsala sa mga biktima ng giyera sa Marawi noong 2017.
Muling inihain ni Lanao del Sur Representative Ansaruddin Abdul Malik Alonto ang House Bill 3418 o ang Marawi Compensation Act kung saan bibigyan ng kabayaran ang mga indibidwal at negosyo na apektado ng giyera.
Iminungkahi ni Adiong ang P50 bilyon na reparation na hahatiin sa tatlong bahagi.
Ang unang bahagi na P10 bilyon ay manggagaling sa General Appropriations Act, ang ikalawang bahagi ay P20 bilyon na magmumula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sa huling bahagi ay P20 bilyon na magmumula naman sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Kapag naging batas ang panukala ni Adiong, magkakaroon ng standards para sa compensation ng may-ari ng mga bahay at negosyo na nasira ng limang buwang giyera maging ito ay partial o fully damaged.
Nakasaad din sa panukala na lumikha ng local board na mangangasiwa ng screening at pagbabayad sa mga biktima.
Noong 17th Congress inihain na ni Adiong ang kaparehong panukala pero natulog lamang ito sa mababang kapulungan.