Repatriation sa mga Pilipinong nasa India, ikakasa oras na maibalik ang commercial flights

Magsasagawa ng repatriation ang Pilipinas sa mga Pilipinong nasa India at nagnanais na makauwi ng bansa.

Ito ay oras na maibalik na ang operasyon ng commercial flights.

Matatandaang pinagbawalan ng Pilipinas ang mga biyahero mula South Asian nation na makapasok sa bansa kasunod ng COVID-19 surge.


Maging ang mga Pinoy mula India ay hindi pinayagang makapasok sa Pilipinas sa loob ng dalawang linggo.

Samantala, ayon kay Ambassador Ramon Bagatsing Jr., hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpahayag ng kagustuhang makauwi sa bansa.

Gayunman, tiniyak ng Ambassador na tutulungan nila ang mga Pilipinong nais makauwi pero kinakailangan aniya ng 150 pasahero para maisagawa ang repatriation.

Nasa 73 Pilipino na sa India ang tinamaan ng COVID-19 habang dalawa na ang nasawi.

Kahapon, mahigit 400,000 bagong kaso ng sakit ang naitala sa India dahilan para umabot sa 19.1 million ang total COVID-19 cases sa nasabing bansa.

Facebook Comments