Repatriation sa stranded OFWs sa Middle East, minamadali na ng pamahalaan sa harap ng lumalawak na travel ban ng Pilipinas

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na minamadali na nila ang pag-uwi sa mga Pilipinong stranded sa gitnang silangan.

Sa harap ito ng paglawak ng sakop ng pinatutupad ng Pilipinas na travel ban sa mga bansang may mataas na kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Kahapon, dumating na sa bansa ang unang batch ng stranded overseas Filipinos mula Oman na binubuo ng 345.


Sa August 10 at 25, dadating din sa bansa ang 2 pang batch ng Pinoy repatriates mula Oman.

Tiniyak din ng DFA na patuloy ang pagtanggap ng Philippine Embassy sa Muscat ng aplikasyon para sa distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Oman na nais sumabay sa repatriation flight.

Una na ring dumating sa bansa ang Pinoy repatriates mula sa Dubai, UAE, Riyadh, Saudi Arabia at Doha, Qatar.

Facebook Comments