Cebu Pacific, nagde-deliver na rin ng hand-carried COVID vaccines sa mga lalawigan

44

Sinimulan na rin ng Cebu Pacific ang pag-airlift sa mga lalawigan ng hand-carried COVID-19 vaccines.

Ang mga bakuna ay nakalagay sa insulated bags na may ice blocks para matiyak ang efficacy nito sa buong biyahe.


Ang mga bag ay inilagay sa passenger seat ng eroplano ssa tabi ng caretakers.

Pinayuhan naman ng CebuPac ang mga nais mag-avail ng nasabing serbisyo na direkta lamang na makipag-ugnayan sa kanilang Cargo Customer Service.

Samantala, tuloy pa rin ang pag-airlift ng nasabing air carrier ng malalaking shipments ng bakuna sa pamamagitan ng kanilang cargo patungo sa mga lalawigan.

Facebook Comments