Reproduction number sa NCR, bahagyang tumaas; Lubang Island sa Occidental Mindoro, ‘critical risk area’

Wala pang nakikita ang octa research group na COVID-19 upward trend sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kahit umakyat sa 0.48 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR mula sa 0.45 na naitala noong Sabado.

Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nananatiling mababa ang 7-day average sa rehiyon na kasalukuyang nasa 945.


Samantala, batay din sa inilabas na datos ng OCTA ngayong araw, pumalo sa 3.61 ang reproduction number sa Lubang Island, Occidental Mindoro.

Ito ay makaraang tumaas ng 580% ang naitalang bagong kaso sa lugar na itinuturing ngayong ‘critical risk area.’

Facebook Comments