Reproduction number sa NCR, bumaba pa; publiko, hindi pa rin dapat magpakampante – OCTA Research

Bumaba pa sa 0.77 ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye, nangangahulugan lamang ito na bumabagal ang pagkalat ng kaso sa Metro Manila.

Ang average daily cases sa National Capital Region (NCR) ay nasa 2,800 kumpara noong March peak na nasa higit 5,000 cases.


Pero iginiit din ni Rye na hindi pa rin ito panahon para magpakumpiyansa at magpabaya.

Mahalaga pa rin aniyang mag-ingat lalo na sa mga bagong variants.

Lumuwag naman ang hospital bed occupancy pero nananatiling mataas sa intensive care unit.

Facebook Comments