Reproduction number sa NCR, patuloy sa pagbaba!

Posibleng bumaba na sa isang libo ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila sa katapusan ng Oktubre.

Ito ang pagtataya ng Octa Research Group dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng tinatamaan ng virus.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, bumaba pa ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region ngayon araw na nasa 0.67 na lamang mula sa 0.88 noong nakaraang linggo.


Bumaba na rin aniya sa 32% ang seven-day average sa NCR at positivity rate sa 14% mula sa 16%.

Nitong Lunes lamang ay ibinaba na ng OCTA ang Metro Manila sa “moderate risk” mula sa dating high risk status.

Facebook Comments