Bumulusok na sa 0.91 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugang mabagal na ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group, posibleng ngayong araw ay nasa 3,000 na lamang ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR.
Kung mananatili aniya ang ganitong trend ay posibleng wala na sa 1,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa rehiyon bago ang araw ng mga puso.
Pero ayon kay David, kahit bumababa na ang mga COVID-19 key indicators gaya ng reproduction, positivity at seven-day average growth sa NCR ay tumataas pa rin ang kaso mga lugar sa labas ng rehiyon.
Facebook Comments