BBM, itinangging “duwag” siya matapos hindi dumalo sa isang presidential interviews

299

Nanindigan si presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos na hindi siya duwag.

Ito ay sa kabila ng hindi niya pagdalo sa “Presidential Interviews” ng isang TV network noong Sabado, Enero 22.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na hindi siya duwag lalo na’t marami na siyang pinagdaanan sa buhay.


Una rito ay naglabas ng pahayag ang kampo ni Marcos at sinabing hindi ito dumalo dahil sa pagiging “bias” umano ng beteranong journalist na si Jessica Soho.

Ayon pa sa dating Senador, ayaw na niyang pag-usapan pa ang mga isyu na 35 taon na ang nakalipas.

Samantala, hindi naman pabor si Marcos na isapubliko ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sakaling manalo bilang pangulo.



Aniya, maaari lamang itong gamitin ng mga kalaban sa pulitika kagaya ng nangyari noon kay dating Chief Justice Renato Corona.

Facebook Comments