Iginiit ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na ihinto na ang pagpapatupad ng required booster shots at negative COVID-19 testing results sa mga dayuhang bumibisita sa bansa.
Ayon kay Villfuerte, kailangang mapataas ang bilang ng mga dayuhang turista sa bansa dahil mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na rin ang nagsabi na malaki ang maitutulong ng turismo para maibangon ang ating ekonomiya mula sa pandemya.
Punto ni Villanueva, bagama’t ang Pilipinas ang unang bansa sa Asia na nagpapasok muli ng mga dayuhan para sa negosyo at turismo ay napag-iiwanan pa rin tayo sa bilang ng tourist arrivals.
Paliwanag ni Villanueva, ito ay dahil nananatiling mahigpit ang ating mga patakaran para sa mga pumapasok sa bansa kaugnay sa COVID-19 kaya mas pinipili ng mga dayuhang turista ang pumasyal na lang ibang bansa.
Diin ni Villafuerte, bagama’t nananatili pa rin ang COVID-19, kailangang luwagan na ang pinapairal natin na health protocols bilang pag-ayon din sa pananaw ni Pangulong Marcos na kailangan na nating mga Pilipino na mamuhay kasama ang virus bilang bahagi ng tinatawag na new normal.