Planuhin na nang maaga ang pagbiyahe at alamin ang ibang alternatibong ruta, sa Lunes, January 19, para sa mga motorista na madadaan sa bayan ng San Fabian, dahil gaganapin ang Grand Parade na bahagi ng kapistahan ng bayan.
Magsisimulang ipatupad ang rerouting alas-6:00 ng umaga at magtatagal hanggang sa matapos ang selebrasyon upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan ng publiko, at maayos na daloy ng trapiko sa bayan.
Para sa mga southbound at northbound vehicles, patungong Sison – Pozorrubio – Manaoag – San Jacinto – Mangaldan – Dagupan at vice versa, maiging alamin ang iba pang alternatibong ruta upang hindi maipit sa trapik sa nabanggit na oras.
Pinapayuhan ang mga motorista na pahabain ang pasensya sakaling makaranas pa rin ng pagbigat ng trapiko at sumunod sa direktiba ng mga traffic enforcers at awtoridad.
Tiniyak naman ang maagap na pagbabantay ng kapulisan, auxiliary at iba pang volunteer groups upang manduhan ang mga sasakyan para sa kaayusan sa kakalsadahan.










