RESBAK | Lalaki patay, matapos tagain

19

Muntinlupa City – Patay ang isang 63-anyos na lalaki matapos resbakan ng kaniyang nakaaway sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.
Sa ulat, nangunguha ng talbos ng kamote ang biktimang si Basilio Camposano sa tabi ng creek ng biglang sumulpot ang suspek na si Anacielo Sanchez saka siya tinaga sa mukha at leeg at sinaksak pa sa likod.
Nabatid na dati nang may alitan ang dalawa kung saan hinabol ng saksak ng biktima ang suspek pero nakatakbo ito at nagkademandahan na lang sila sa barangay.
Patuloy naman pinaghahanap ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments