Tuesday, January 20, 2026

Rescue volunteer sa Binaliw landfill, namatay dahil sa ‘septic shock’

Namatay ang isang 50-anyos na rescue volunteer na tumulong sa search-and-rescue operations sa gumuhong landfill sa Barangay Binaliw sa Cebu City, matapos magkaroon ng ‘septic shock’ dahil sa impeksyon sa kanyang sugat sa paa.

Ito ang kinumpirma ni Cebu City Councilor Dave Tumulak, chairman ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC).

Aniya, “septic shock secondary to a severe wound infection” ang sanhi ng pagkamatay ng volunteer base sa medical findings.

Napag-alaman din ng pamilya ng naturang volunteer na nakatalaga ito sa ground zero ng landfill ng ilang mga araw.

Dagdag pa ni Tumulak, hinihintay na lamang ang mga dokumento mula sa kaniyang pamilya upang mabigyan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Cebu City.

Matatandaan na umabot sa 36 ang namatay sa pagguho ng landfill habang 18 naman ang sugatan.

Facebook Comments