Friday, March 6, 2026

Reserbang langis sa bansa, ipinasisilip ng isang senador sa DOE

Ipinasisilip ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang mga buffer stocks ng mga oil companies upang malaman kung makatwiran ba ang agarang pagtataas ng presyo ng langis sa merkado.

Ilang oil companies na rin kasi ang nagtaas ang presyo matapos ang tensyon sa Middle East nitong weekend.

Sa pagkakaalam ni Gatchalian, mayroong 15 araw na buffer stock ang mga oil companies.

Kung buffer stock pa rin ang naibebenta ngayon sa merkado, hindi pa aniya dapat nagtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo.

Pinasisilip ng mambabatas sa DOE kung mayroong profiteering at posibleng ang old stock na langis ang napresyuhan ng mataas.

Pinarereview rin ni Gatchalian sa DOE ang shipment ng mga oil companies na dumarating sa bansa dahil ang mga ito ang may record para malaman kung buffer stock pa rin ba o bagong dating na mga produktong petrolyo at gasolina ang naibebenta ngayon sa bansa.

Facebook Comments