Reshuffle sa mga matataas na opisyal ng PNP, aasahan sa mga susunod na linggo

Inanunsyo ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na magkakaroon ng balasahan sa hanay ng mga senior Officers ng Philippine National Police.

 

Aniya kasama sa mga maapektuha ng reshuffle ang mga opisyal sa Command group, mga Regional Directors at Provincial Directors.

 

Paliwanag ni Albayalde gagawin ang balasahan  dahil sa pagkakaroon ng mga bakanteng posisyon na iiwanan ng mga magreretirong opisyal.


 

Kasama na rin sa mga babalasahin ang mga opisyal na tumagal na ng dalawang taon sa kanilang Assignment.

 

Dagdag ng PNP chief, ang rigodon ay para narin sa Career advancement ng mga opisyal.

 

Sinabi ni Albayalde na ilalabas ngayong araw ang listahan mga opisyal na maililipat ng pwesto.

Facebook Comments