One Meralco Foundation, magsasagawa ng assesment sa mga paaralan bilang parte ng oplan balik eskwela task force

Bilang parte ng oplan balik eskwela task force, magsasagawa ang One Meralco Foundation ng assesment sa bawat paaralan.

 

Ito’y para masigurong nasa maayos na kondisyon ang mga electrical wirings bago pa magsimula ang pasukan sa June 3, 2019.

 

Bukod dito, sisiguraduhin din ng Meralco na papasa o kaya ay pasado sa electrical wiring safety standard ang bawat komeksyon ng kuryente sa kada classroom para maiwasan ang anumang hindi magandang insidente tulad ng sunog.


 

Ang bawat poste ng ilaw sa mga paaralan ay sisiguraduhin na nasa maayos na kondisyon para maliwanag pa din ito para sa mga estudyanteng inaabot ng gabi.

 

Maging ang Department Of Energy ay sinisiguro din na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa buong bansa sa araw ng pasukan.

Facebook Comments