RESHUFFLING | EPD, handa na sa papalapit na Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Ire-reshuffle ang mga pulis na naka-assign sa iba’t ibang barangay sa Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections sa Mayo.

Ayon kay Eastern Police District Chief Psupt. Reynaldo Biay, ito ay upang maiwasan ang familiarization sa mga kakandidato sa ibat ibang posisyon.

Titiyakin din na maipatutupad ang mga election law tulad ng pagbabawal sa mga pulis, sundalo, at provincial guards na magsilbing bodyguard o security guard ng nga kandidato.


Magsasagawa rin ng surveillance ang EPD intelligence unit sa mga grupo o indibidwal na nagbabalak manggulo, mamili o mamuwersa ng boto, at magsagawa ng terorismo.

Paiigtingin din ang pagpapatupad ng mga checkpoint upang matiyak na walang lalabag sa ipatutupad na COMELEC gun ban sa pagpasok ng election period.

Hinimok naman ni Biay ng publiko na agad i-report sa pulis ang mga kahinahinalang indibidwal maging mga naiiwanang kagamitan sa lansangan upang matiyak na ligtas na mairaraos ang barangay elections.

Facebook Comments