BUY BUST OPERATION | 2 drug suspek, huli sa Marikina City

Marikina City – Hindi na nakapalag pa ang 2 drug suspek sa kinasang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina police sa Blk. 6 Lot 54, Talong St., Barangay Tumana, Marikina City.

Kinilala ang target na sina Carl James Y Buena, alyas Tisoy 17-anyos; Ronnie Alcantara Y Balmaceda, 31-anyos.

Makikita sa video ng raiding team pinasok nila ang isang masikip na eskinita at doon agad na huli ang isa sa mga suspek.


Inikutan din nila ang bahay ng target sa operasyon kung saan maging sa puno at improvised na hagdanan ang inakyat ng mga operatiba.

Nakumpiska sa 2 suspek ang 6 na pakete ng hiniginalang shabu at marked money.

Nasa presinto na ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments