TINUPOK | Warehouse, nasunog sa Pasig City

Pasig City – Isang warehouse ang natupok ng apoy sa Barangay Buting, Pasig City.

Alas-9:00 ng gabi nang magsimula ang sunog s PKSS enterprise Inc., kung saan pawang mga kagamitan sa bahay ang laman ng warehouse.

Pasado alas-12:00 ng madaling araw nang ideklarang under control ang sunog at hindi pa malaman sa ngayon kung magkano ang kabuuang danyos nito.


Kwento naman ng isang factory worker ng katabing warehouse, nakarinig sila ng dalawang malakas na pagsabog mula sa gusali saka nila nakitang nagliliyab ito.

Facebook Comments