Residente ng Tuy, Batangas, arestado sa pagtatapon ng toxic chemicals sa ilog

Patong-patong na kaso ang isasampa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa isang lot owner sa Tuy, Batangas matapos mahuling nagtatapon ng toxic chemicals sa ilog.

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at Philippine National Police (PNP), arestado si Romano Cabrera sa aktong naghuhugas sa ilog ng drum na ginamit na lagayan ng chemical sa paggawa ng sabon.

Kabilang sa kasong isasampa kay Cabrera ay ang paglabag sa RA 9275 o Philippine Clean Water Act at sa RA 6969Act o ang pagbabawal sa pagtatapon ng toxic substances at hazardous wastes.


Facebook Comments