Baguio, Philippines – Simula noong Enero 19 kung kailan dumating sa rehiyon ang isang indibidwal kasama ang dalawang boardmates nito na nagmula sa China ang sinusubaybayan ngayon ng Department of Health Cordillera o DOH-CAR dahil sa pinapangambahang 2019 novel coronavirus o nCoV.
Ang mga nasabing indibidwal ay hindi naman galing sa Wuhan at wala namang naging uganayan sa isang taong may 2019 nCoV at sa ngayon ay nasa quarantine na ang mga indibidwal at kinuhanan na din sila ng dugo at pinadala sa Research Institute for Tropical Medicine para sa pagsusuri ayon naman yan kay DOH-CAR OIC Director Doctor Janice Bugtong.
Ang 2019-nCov ay naipapasa sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing at ipinunas nalang kung saan saan ang kamay matapos bumahing, na madalas mangyari kapag nasa ilang mga okasyon.
Nanawagan naman sa mga lokalidad si Senior Health Program Officer ng DOH-CAR, Karen Lonogan na panatilihin ang wastong kalinisan sa katawan para hindi tayo madaling tamaan ng nasabing virus at iwasan naman ang pagkain sa mga exotic na hayop.
Sinisigurado naman ang kahandaan ng ilang lokal na ospital sa pamamagitan ng ilang medical reponse teams kung sakaling may maitatalang kaso o magkaroon ng outbreak ng nCoV sa rehiyon ayon naman yan kay Medical Officer IV and Infectious Disease cluster head ng DOH-CAR, Doctor Jennifer Joyce Pira.
Sa Baguio City ay wala pa namang naitatala ang Baguio City Health City Services Office na kaso ng nCoV o naka-quarantine na indibidwal sa lungsod.
iDOL, ipagbigay alam agad natin kung may alam kayong kaso ng nCOV!