Nagsimula na ang pamamahagi ng financial compensation sa mga residente ng Bayambang na naapektuhan ng “Improvement of Farm-to-Market Road with Bridge Project” ng Department of Agriculture’s Philippine Rural Development Project sa Barangay San Gabriel 2nd.
Pinangunahan ng pamunuan ng Municipal Assessor’s Office, kasama ang Municipal Treasury Office, MSWDO, MAO, Accounting, and Legal Office ng Bayambang ang pamamahagi sa mga residente nito.
Ang PRDP project ay popondohan sa pamamagitan ng cost-sharing scheme sa pagitan ng World Bank (80%) at ng gobyerno ng Pilipinas na 10% mula sa DA at 10% LGU-Bayambang.
Inaasahan namang ang nabigyan ay mga paunang residente pa lamang at may mga iba pang mabibigyan ng pinansyal na tulong. | ifmnews
Facebook Comments