Residential area sa Tondo, Maynila, nasusunog

Patuloy na inaapula ngayon ang sunog sa isang residential area sa Maynila.

Partikular ito sa Innocencio St. sa Brgy. 93 sa Tondo.

Nagsimula ang sunog bandang 10:00 ngayong umaga.

Agad namang iniakyat sa unang alarma ang sunog bago mag-10:30 a.m. at sa ngayon ay nasa ikatlong alarma na.

Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang ilang bahay na katabi ng covered court.

Kaniya-kaniya namang hakot ng gamit ang mga residente upang hindi madamay sa apoy.

Inaalam pa kung may nasaktan sa insidente.

Facebook Comments