Residential condominium unit na nagkakahalaga ng ₱14 million, naghihintay kay Hidilyn Diaz sa kaniyang pag-uwi sa Pilipinas

Bibigyan ng Megaworld Corporation ng residential condominium unit na nagkakahalaga ng ₱14 million ang olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Ayon kay Megaworld Chief Strategy Officer Kevin Tan, ito ay bilang pasasalamat nila sa ipinamalas ni Diaz lalo na’t ito ang unang beses na nakasungkit tayo ng gintong medalya sa Tokyo Olympics mula noong lumahok tayo noong 1924.

Bukod sa condominium unit, nasa ₱33 million na premyo ang matatanggap ni Diaz pag-uwi niya sa Pilipinas at ang house and lot sa Tagaytay City.


Pero sa kabila nito, aminado ang Malacañang na kulang pa rin talaga ang suportang ibinibigay ng pamahalaan sa ating mga atleta.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maliit na allowance at benepisyo lamang ang natatanggap ng mga ito.

Kasunod nito, nilinaw naman ni Roque na hindi pinababayaan ang mga Pilipinong atleta at inihalimbawa niya ang itinayong world class facility na New Clark City na maaari nilang pagdausan ng mga ensayo.

Facebook Comments