Manila, Philippines – Hawak na ng Malacañang ang resignation letter ng dalawang Bureau of Customs officials, na umano tumanggap ng suhol sa pagpasok ng smuggled goods sa bansa.
Ayon kay Assistant to the Presidential Spokesperson China Jocson – natanggap na ng Office of the President ang resignation letter nina Retired Colonel Neil Anthony Estrella, Director III ng Bureau of Customs at Import Assessment Services Director Milo Maestrecampo.
Si Maestrecampo at Estrella ay nagbitiw sa pwesto dahil sa isyu ng P27,000 bribes matapos na maipuslit ang P6.4-billion halaga ng shabu sa BOC.
Facebook Comments