RESIGNED | Acting Prosecutor Jorge Catalan, nagbitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Nagbitiw na sa kanyang pwesto bilang acting Prosecutor General si Jorge Catalan Jr.

Sa dalawang pahinang liham ni Catalan kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hiniling nito sa Kalihim na ma-relieved na siya sa pagiging Acting Prosecutor General ng National Prosecution Service o NPS.

Bukod sa pagiging Acting Prosecutor General , si Catalan ay umaakto ring City Prosecutor ng Makati.


Paliwanag ni Catalan,hindi niya maaring ikompromiso ang paghawak sa dalawang posisyon.

Nais ni Catalan na ma-relieved sa pagiging Acting PG simula bukas June 29.

Ipinauubaya na din nito kay Sec. Guevarra ang pagtatalaga ng ipapalit sa kanyang iiwang pwesto.

Facebook Comments