RESIGNED | Former Tourism Secretary Wanda Teo, pormal nang namaalam sa kanyang mga kasama sa ahensya

Manila, Philippines – Pormal nang namaalam sa tanggapan ng Department of Tourism (DOT) si Former Secretary Wanda Teo.

Ito ay matapos maghain ng kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kwestyunableng 60 million pesos AD Placement sa programa ng kanyang kapatid sa PTV-4.

Aminado si Teo na may pagkakamali siya dahil may ilang kontrata siyang hindi tiningnan at sinuri na nauwi sa kontrobersiya.


Tanggap niya na may kasalanan siya at nagbitiw siya para hindi na ibunton ang sisi sa iba pang tao.

Nagpasalamat si Teo sa mga empleyado at tauhan ng DOT sa kanilang suporta at humingi rin ng tawad sa mga nasaktan nang ipatupad niya ang reorganization sa ahensya.

Facebook Comments