Resolusyon ng Senado na nagpapahayag ng dismaya sa China, naisumite na kay Pangulong Bongbong Marcos

Ipinadala na ng Senado kay Pangulong Bongbong Marcos ang kopya ng resolusyon na tumutuligsa sa panghihimasok at pakikialam ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, isinumite nila ang kopya ng resolusyon ng pagkundena sa pangbu-bully ng China bago ang ginanap na state visit ng Pangulo sa Beijing.

Sinabi ni Zubiri na ginawa nila ito para maipakita sa pangulo ang kanilang pagkadismaya o disgusto at para malaman din ng presidente ang posisyon ng Senado sa isyu sa pagpunta nito sa China.


Aniya pa, kailangan na may ‘good cop, bad cop’ at silang mga senador ay handang gumanap na ‘bad cop’ at handa rin umano silang magbigay ng ‘unsolicited advice’ sa pangulo para maingat na maiparating sa China ang saloobin ng bansa.

Nilinaw naman ni Zubiri na hindi inaaway ng Senado ang China ngunit kailangang panindigan ang ilang mga isyu tulad na lamang ng ginawa ng Vietnam na nagpakita na hindi uurong sa China para sa kanilang karapatan sa teritoryo.

Matatandaang sa paghaharap ni Pangulong Marcos at Chinese President Xi Jinping sa China, nagkasundo ang dalawang mga lider ng bansa na mag-compromise at humanap ng mga pamamaraan na magiging kapaki-pakinabang sa mga Pilipinong mangingisda.

Facebook Comments