Resolusyon para sa pagkilala kay Pope Francis, inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang isang resolusyon na nagbibigay pagkilala sa buhay at legacy na iniwan ni Pope Francis o Pope Jorge Mario Bergoglio ng Buenos Aires, Argentina.

Sa Senate Resolution 1342 na inihain ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada, nagpapaabot din ito ng pakikiramay at pakikidalamhati ng buong Senado sa Supreme Pontiff ng simbahang Katolika.

Ayon kay Estrada, si Pope Francis ay higit pa sa isang spiritual leader kundi isa siyang simbolo ng kapakumbabaan, habag at katarungan.

Ang mensahe aniya ng Santo Papa ng pag-asa, pagsasama at awa ay hindi lang naramdaman ng mga Katoliko kundi ng buong mundo.

Sinabi ng mambabatas na sa loob ng 12 taon na pagiging Santo Papa ay patuloy si Pope Francis sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga kabilang sa marginalized, pagsusulong ng kapayapaan at pangangalaga sa kalikasan.

Dagdag pa ng senador, nagsilbing global voice si Pope Francis para sa dignidad, karapatang pantao at pagkakaisa.

Facebook Comments