
Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na aabot sa mahigit 750 libong pamilya ang makikinabang sa REFUEL o Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers project ng pamahalaan.
Ito ay matapos aprubahan ng NEDA Board ang naturang proyekto.
Ginawa ng NEDA Board ang hakbang bago pa man ito tuluyang tawaging Economic and Development Council (ED Council) sa ilalim ng Department of Economic Planning and Development (DepDev).
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, sa pag-apruba sa REFUEL Project, inaasahang matutugunan nito ang problema ng bansa sa involuntary hunger at maiaangat ang mga nasa vulnerable communities.
Target ng pamahalaan sa pamamagitan ng electronic food stamp na ito, mapagsilbihan ang mga mahihirap na Pilipino.