Response Team ng DSWD-2, Handa na kay Bagyong Siony

Cauayan City, Isabela- Nakahanda ang Disaster Response Management Team (DRMT) ng DSWD Region 2 para sa anumang emergency cases sa paghagupit ng Bagyong Siony.

Inabisuhan na rin ang bawat Municipal Action Teams (MATs) na makipag-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at sa Local Social Welfare and Development Officers (LSWDOs) kung mayroong mga concern na dapat nang matugunan.

Umaabot naman sa 26, 084 family food packs na tinatayang aabot sa halagang Php13,276,674.21 at 8,009 na non-food items ang nakahanda para sa relief operations sa mga maaepktuhan ng bagyo.


Ang 16,663 family food packs ay nasa pangangalaga ng Regional Field Office, 2,500 sa SWAD Nueva Vizcaya, 1,845 sa SWAD Quirino, 2,100 sa SWAD Batanes, 760 foodpacks sa SWAD Isabela at 2,216 sa Upi, Gamu, Isabela warehouse.

Samantala, nakalerto na rin ang tropa ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Cagayan at Apayao para magbigay ng humanitarian assistance sa mga maapektuhan ng Bagyong Siony.

Kabilang kasi ang Cordillera at Region 2 sa Northern Luzon ang inaasahang matatamaan ng Severe Tropical storm Siony.

Inaasahan naman ang paglandfall ng Bagyong Siony ngayong araw sa Batanes partikular sa bisinidad ng Itbayat Island.

Facebook Comments