Restoration ng Kuryente sa Lalawigan ng Cagayan, Nasa Isang Daang Porsiyento Na!

*CAGAYAN-* Naibalik na sa normal ang daloy ng kuryente sa buong nasasakupan ng CAGELCO I at CAGELCO II matapos ang higit isang buwan na pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni General Manager Dave Siquian ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation Electric Cooperative (PHILFECO) na isang daang porsiyento na ang energization ng buong Lalawigan ng Cagayan matapos patumbahin ng Ompong ang mga poste sa nasabing probinsya.

Aniya, Ito ay dahil narin sa tulong ng mga Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force, ISELCO 1, ISELCO 2, NUVELCO at QUIRELCO upang agarang maibalik ang kuryente sa buong Lalawigan ng Cagayan.


Malaki naman ang pasasalamat ni Siquian dahil mas maaga na umanong natapos ang kanilang pagpapanumbalik ng kuryente sa kanilang dating target noon na matatapos sa buwan ng Nobyembre

Samantala, kinumpirma rin ni Siquian na dinecline o inayawan nito ang alok ng ilan na tumakbo sa halalan para sa posisyong Congressman sa kanilang Partylist dahil mas prayoridad pa rin umano nito ang kanyang responsibilidad bilang General Manager ng ISELCO II at Chairman ng PHILFECO.

Facebook Comments