Restrictions sa inter-zonal/cross-border travel, pinaluluwagan ng isang kongresista; mandatory quarantine sa mga OFW, pinaaalis na rin

Pinaluluwagan ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang restrictions na ipinapatupad sa inter-zonal/cross-border travel para sa mga taong nakakumpleto na ng kanilang COVID-19 vaccine.

Hindi na aniya dapat higpitan ang mga vaccinated individual sa pagpasok sa mga syudad o munisipalidad ano pa man ang umiiral na quarantine level basta’t susunod ang mga bisita sa ipinapatupad na health at safety protocols.

Sinabi ni Ong na mahalaga aniya ito upang masimulang buhayin ang domestic tourism sa bansa na pinadapa ng pandemya.


Bukod sa pagpapalakas ng tourism sector, ang pagpayag sa domestic travel para sa mga fully vaccinated ay makapanghihikayat ng mas marami na makapagpabakuna anuman ang brand.

Nauna na ring iminungkahi ni Ong na i-exempt na sa mandatory quarantine period na 7 days ang mga nakakumpletong bakuna na pauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga inbound international Filipino travelers.

Maaari pa rin naman aniyang obligahin ang mga ito na sumailalim sa RT-PCR swab pagkadating sa bansa at ipaalam sa mga otoridad ang kanilang travel destination.

Facebook Comments