Resulta ng Deliberasyon sa Mungkahing Wage Hike sa Rehiyon Dos, Naisumite na sa DOLE National!

Cauayan City, Isabela – Nagkaroon na umano ng resulta sa mga isinagawang delibirasyon ng mungkahing dadag na sahod sa mga manggagawa ng rehiyon dos at naisumite narin ito sa tanggapan ng DOLE.

Ito ang mariing ipinahayag ni Atty. Sarah Mirasol, ang Regional Director ng DOLE region 2 at Chairman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB.

Aniya, nag-umpisa ang deliberation ng wage order sa buwan ng September kung saan ay nagkaroon ng konsultasyon sa omento ng pasahod sa probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.


Nagkaroon din umano ng public hearing sa wage order noong Oct. 12, 2018 na dinaluhan ng maraming manggagawa at negosyante kung saan ay kaparehong public hearing din ang isinagawa kahapon.

Paliwanag pa ni Atty Mirasol na motu propio umano ang wage hike dahil sa nagbigay umano ng kautusan si DOLE Secretary Silvestre Bebot Bello III sa lahat ng wages board na ripasuhin ang social economic condition ng bawat rehiyon.

Samantala, inaasahan naman sa kalagitnaan ng buwan ng November ang implimentasyon ng wages hike bagamat wala pa umanong eksaktong halaga ng wage hike kung ito ay magkano.

Facebook Comments