Resulta ng genome sequencing sa mga tripulanteng Pilipino mula India na nagpositibo sa COVID-19, aabutin pa nang ilang araw – DOH

Ilang araw pa ang kailangang hintayin bago lumabas ang resulta ng genome sequencing sa mga tripulanteng Pilipino mula India na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire, kinuhanan na ng samples ang mga indibidwal na nagpositibo sa virus kabilang ang dalawang kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Matatandaang noong huwebes dumaong sa Maynila ang MV Athens Bridge na sakay ang mga tripulanteng Pinoy na nagmula sa India kung saan tumigil muna ang mga ito sa Malaysia bago dumating sa bansa.


Samantala, nananatili naman ang travel ban ng Pilipinas sa India dahil sa tinatawag na double mutant variant ng COVID-19.

Facebook Comments