Hawak na ng Office of the President ang resulta ng imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa dalawa sa tatlong police general na pinangalanan ni pangulong rodrigo duterte na sangkot sa illegal drug operatioons. Ito ang kinumpirma ni Rogelio Casurao, Vice Chairman ng NAPOLCOM, matapos na maisumite sa Pangulo. Kasabay nito, tumanggi naman si Casurao na magbigay ng impormasyon sa naturang usapin. Una rito, inihayag ng NAPOLCOM na nakitaan nila ng probable cause para sampahan ng kasong administratibo sina dating NCRPO Chief Director Joel Pagdilao at dating Quezon City Police District Head Chief Supt. Edgardo Tinio dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga. Kasama rin sa kanilang inimbestigahan si dating Police Regional Office 6 Director Chief Supt. Bernardo Diaz.
Resulta Ng Imbestigasyon Ng Napolcom Sa Dalawang Narco-Generals Na Pinangalanan Ni Pangulong Duterte, Hawak Na Ng Office Of The President
Facebook Comments