Resulta ng imbestigasyon sa MT Princess Empress, ilalabas sa kalagitnaan ng Abril

Posibleng ilabas sa kalagitnaan ngayong Abril ang resulta ng imbestigasyon sa MT Princess Empress.

Hindi pa naman matukoy ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Hernani Fabia ang eksaktong petsa ng pagtatapos ng imbestigasyon ng fact-finding team.

Partikular na sumentro ang imbestigasyon sa konstruksyon ng ill-fated vessel.


Ito ay matapos ibunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na lumang-luma na ang MT Princess Empress at ito ay scrap taliwas sa pinalulutang na brand new ang barko.

Pebrero 28 ng taong ito nang lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro habang lulan ang 900,000 litro ng industrial fuel kung saan nagdulot ito ng oil spill na kumalat din sa mga lalawigan ng Antique, Palawan at Batangas.

Facebook Comments