DFA, nabahala sa posibleng pagtaas ng tensyon sa Taiwan

Nabahala si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa nagaganap na tensyon sa Taiwan Strait.

Sa harap ito ng pag-claim ng China sa Taiwan.

Ayon kay Manalo, may masamang epekto ito sa Pilipinas lalo na’t tinatayang 200,000 ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.


Sinabi ng kalihim na ang Taiwan ay malapit na malapit sa Pilipinas, kaya anumang uri ng tensyon o labanang militar ay may masamang epekto ito sa Pilipinas.

Una na ring nagbabala ang China na maaaring masangkot ang Pilipinas sa tensyon sa Taiwan Strait matapos ang pagtatag ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites.

Facebook Comments